Liham ng Panginoon :)

Mahal kong (Pangalan Mo),

Kilala mo ba ako?

Tinulungan ko ang ina mo, para mailuwal ka sa mundong ibabaw. Gusto kong ipakita sayo ang ganda ng mundo. Natuwa ang mga magulang mo sayo, at nagpasalamat sila sa akin. Sa ginawa kong tulong, inaasahan kong balang araw, tuturuan ka nila kung pano ako tawagin. :)

Naging isang bata ka. Ang binibigkas ay “Mama” at “Dada”. Kung minsa’y “Dede” at “PooPoo”. Isinasama ka nila sa bahay ko isang beses tuwing linggo, pero hindi mo pa din naiintindihan kaya ka nagtatatakbo, naglalaro, at nagtititili¬†sa loob ng bahay ko. Pero masaya na rin ako, kasi andoon ka. Natutuwa ako sa mga kaya mong gawin. Kaya dinagdagan ko pa ang mga ito.

Pumasok ka na sa eskwela sa murang edad. Tinuruan ka na ni teacher ng A,E,I,O,U. at Abakada.¬†Tinatawag mo na ako kasama ng mga kapwa mo bata. Ang tawag nyo pa nga sa Akin ay “Papa”. Kahit simpleng pagtawag pa lang ang kaya mo, natutuwa pa din ako. Wala na akong ibang hiniling kundi ang kasiyahan mo, kahit mga materyal na bagay - kahit papaano ay naiaabot ko sa kamay mo.

Lumaki kapa. Naging pasaway yung batang kinatutuwaan ko. Pumupunta kapa din sa bahay ko, pero hindi na “Papa” ang tawag mo sakin. Mas lumalim ang pag iisip mo, ukol sa mga bagay bagay. Ang mga magulang mo ay nag aalala na lalo sayo, dahil binubulungan ko silang alagaan ka nila. Na huwag kang pababayaan. Dahil ibinigay kita sa kanila ng buong puso.

At ngayong edad mo. :) Naiisip mo ba kung gaano mo ako sana mapapatuwa? Sana hindi mo naman ako kalimutan bisitahin, sige na oh? Isang beses lang naman sa isang linggo eh. Alam mo, inaasahan pa din kita doon. May espasyo ka sa tahanan ko. Nakita kita, katext mo mga kaibigan mo. .kasama mo ako naglalakad, pero hindi mo ako mapansin. Tinitigan nalang kita at naniwalang tatawagan mo din ako. Ako nalang kaya katelebabad mo? :) Sa akin mo na lang sabihin ang mga problema mo. .Promise, makikinig ako. Hindi mo man makuha direkta ang mga isasagot ko sayo, sigurado may ibang paraan.

Hindi kita iiwan, anak. Andito ako lagi.

Ang kapwa mo ay ako rin. Kaya itrato mo silang lahat ng mabuti, at sa naaayon. Ang mga magulang mo, sundin mo sila, sapagkat ipinaparating nila ang mga binubulong ko sa kanila. Alam nilang ang sinasabi ko ay makakabuti para sa iyo. Padala ko ang mga magulang mo, upang maging gabay mo. Mangarap ka, ngunit isaalang alang mo ang bawat bagay, at dapat wala kang matatapakan sa dadaanan mo. Hangad ko ang tagumpay mo, at sana anak, pagkamit mo ng tagumpay ay busilak pa din ang puso mo - gaya nang kung ano ito nung una kitang hinawakan.

Lilipas ang panahon at makakakita ka ng itatakda ko sayong kabiyak. Sa pamamagitan ng pagtawag sa akin ay malalaman mo kung sya nga ba. Magpakarami kayo ayon sa aking utos, at sana’y palakihin nyo sila tulad ng pagpapalaki ng mga magulang ninyo sa inyo. Hayaan nyo rin silang bumisita sa aking bahay, pare-parehas ko kayong likha, aking mga anak.

Matagal pa bago tayo magkita, kapag nangyari yaon ay syang paglisan mo sa mundong nilikha ko. Paraiso iyan, at paraiso rin dito. Kaya hintayin mo ang oras na ika’y animo’y maglilipat bahay, wag mo akong pangunahan pagdating sa bagay na yan.

Mahal na mahal kita~

Sana’y matagal mo nang alam yon. :)

Nagmamahal,

Panginoong Diyos